Templo ng Sacramento, California
Maligayang pagdating sa isang self-guided tour ng Sacramento California Temple para sa mga pamilya at kaibigan!
Sa buong tour na ito, maglalakad ka sa labas ng templo. Habang naglalakad ka, mangyaring sundin ang mga asul na marka sa mapa sa ibaba. Pakitandaan na ang templo ay isang sagradong lugar at hinihiling namin na magpakita ka ng pagpipitagan iyong pagpunta.
Sa tour na ito marami kang mababasa, ngunit umaasa kaming bibigyan mo ng lubos na pansinin ang iyong naramdaman. Magpatuloy lamang sa pag-scroll!
Umaasa kami na ang karanasang ito ay magpapalalim ng iyong pagmamahal sa ating Tagapagligtas, si Hesukristo.
Ang Templo at ang Plano ng Kaligayahan
Ang mga templo ay bahagi ng plano ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak.
Sa mga templo, tayo ay gumagawa ng mga sagradong kobenante sa Diyos. Ang mga tipan na ito ay mga sagradong pangako sa pagitan natin at ng Diyos. Sa mga templo tayo ay pinagkalooban ng kapangyarihan ng priesthood, natanggap ng personal na pahayag, nagsasagawa ng mga ordinansa para sa ating mga yumaong ninuno, at para magkaisa ang mga pamilya sa kabilang buhay.
Lahat ng ito ay posible dahil kay Hesukristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.
Ang Templo ay Nagpapaalala sa Ating kay Hesukristo.
Ang lahat ng bagay sa templo ay nagpapahiwatig ng pagmamahal ni Hesukristo sa atin.
Anong simbolo ang nasa lupa at ano ang kinakatawan nito?
Ang disenyo ay tinatawag na compass. Bakit kailangang gumamit ng compass ang isang tao? Para sa isang pahiwatig tingnan ang Alma 37:44-45.
“Kabanalan sa Panginoon – Ang Bahay ng Panginoon”
Ang “Kabanalan sa Panginoon, Ang Bahay ng Panginoon” ay nakasulat sa bawat templo. Paalala ito sa atin na ang templo ay pag-aari ng Panginoon. Ito ay Kanyang tahanan at isang banal na lugar.
Ang mga salitang “sa Panginoon” ay tumutulong sa atin na mag isip tungkol sa direksyon. Pagdating natin sa templo, lumalapit tayo kay Hesukristo at sumusunod sa Kanya.
Ang Dakilang Manggagamot
Si Hesus ay minsan tinatawag na “tubig na buhay” dahil tinutulungan Niya tayong maging malinis at buo.
Noon pa man sa bibliya, ang mga pari ay naghahanda upang maglingkod sa Diyos sa templo sa pamamagitan paghuhugas ng kanilang mga paa bago sila pumasok.
Sa ngayon, pinaaalala sa atin ng fountain na sa pamamagitan ng pagpili ng kabutihan, katapatan, at pagsunod kay Jesus, ating pinananatiling dalisay ang ating mga puso at handang makaramdam ng kalapitan sa Kanya.
Nais ng Panginoon na lahat ay makapunta sa templo, at inaanyayahan Niya ang lahat na maghanda upang makapasok.
Ang templo ay isang espesyal at sagradong lugar. Bago itinalaga ang isang bagong templo ay may open house kung saan lahat ay inimbitahan pumasok upang makita ang loob. Bago italaga ang Sacramento Temple, 198,367 katao ang bumisita sa open house.
Pagkatapos italaga ang templo, tanging mga miyembro ng Simbahan, na may temple recommend, na nagsisikap na sundin si Jesus at tuparin ang Kanyang mga utos ang maaaring pumasok. Ito ang nakakatulong na mapanatiling mapayapa at banal ang templo. Ito ay lugar kung saan maaari nating madamang malapit tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Ang simbolo ng rosas ay makikita sa kabuuan ng Sacramento Temple. Makikita ninyo ang mga rosas sa malalaking hawakan ng pinto at sa magandang karpet na nasa loob ng pasukan.
Cornerstone ng Ating Pananampalataya
Kapag magtatayo ng bagong templo, isang espesyal na bato na tinatawag na “cornerstone” ang inilalagay sa gusali.
Paalala ito sa atin kay Jesucristo, na tinatawag na “chief cornerstone” sa mga banal na kasulatan (Efeso 2:20). Ibig sabihin Siya ang pinakamahalagang bahagi ng templo at ng ating buhay.
Baptistery
Katabi ng cornerstone ay ang baptistery.
Itinuro ni Jesus na tayo ay dapat isinilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos (Juan 3:5). Ibig sabihin napakahalaga ng binyag. Subalit paano naman ang mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataong nakilala si Hesus o nabinyagan habang sila ay nabubuhay?
Noong nakaraang panahon, ang apostol ni Kristo na si Pablo ay nagtanong: “Bakit nga sila’y bininyagan dahil sa mga namayapa?” ipinapakita nito na ito ay isang bagay na ginawa ng mga sinaunang Kristiyano upang tulungan ang iba (1 Corinthians 15:29).
Sa ngayon, ang mga taong may temple recommend ay maaaring pumunta sa templo at magpabinyag para sa mga ninuno nilang pumanaw na.
Ito ay isang mapagmahal na paraan ng pagtulong sa iba. Ang mga taong pinagbibinyagan natin ay may kalayaang pumili. Hindi nila kailangan tanggapin ang ordinansa ng binyag, ngunit ang ating paglilingkod sa templo ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon.
Ang pagtulong sa iba na makabalik sa Diyos sa pamamagitan ng binyag ay isa sa mga paraan kung paano natin ipinapakita ang pagmamahal at pagsunod kay Jesus.
Silid ng Selestyal
Ang silid sa dulo ng templong ito ay tinatawag na Celestial Room.
Ito ay isang tahimik at mapayapang lugar kung saan maaaring maglaan ng oras ang mga tao upang mag-isip at manalangin, magbasa ng banal na kasulatan, o mapayapa pag uusap sa bawat isa.
Ito ay isang pinakabanal at sagradong lugar kung saan maaari nating isipin si Jesus, madama ang pagmamahal ng Diyos sa atin, at hanapin ang Kanyang patnubay at direksyon.
Ang Ordinansa Ng Pagbubuklod (Sealing)
Noon pa man, binigyan ni Hesus ang espesyal na kapangyarihan sa Kanyang apostol na si Pedro at sinabi: “Anuman ang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit” (Mateo 16:19).
Sa templo, maaaring ikasal ang mag-asawa sa kawalang-hanggan, at ang mga magulang ay maaaring mabuklod sa kanilang mga anak, sa pamamagitan ng kapangyarihan ding iyon ng priesthood. Ito ay nangyayari sa isang ordinansa na tinatawag na “sealing.” Ito ay isang ordinansa para sa mga buhay at para sa mga namatay.
Isa sa mga pinakadakilang pagpapala ng templo ay ang ating relasyon sa pamilya ay hindi kailangan magwakas kapag may namatay.
Dahil kay Hesukristo, kapag sumasamba tayo sa templo at tinutupad ang mga tipang ginagawa natin sa Diyos, makakasama natin ang mga mahal natin magpakailanman.
Ang mga sealing room ay nasa magkabilang panig ng templo.
Sino ang estatwa sa ibabaw ng templo at ano ang hawak niya?
Siya ang anghel Moroni!
May hawak siyang na trumpeta dahil ipinapahayag niya ang isang napakahalagang bagay: Si Hesukristo ay muling darating!
Gaya ng trumpeta na umaakit ng pansin ng mga tao, ang mensahe ni Moroni ay para marinig ng lahat sa buong mundo.
Masayang Kaalaman:
Ang mataas na tore ng templo ay 131 talampakan/40 metro ang taas. Mas mataas pa ito kaysa sa isang 10 palapag na gusali!
Si Hesukristo ay Darating Muli!
“Ang regular na pagsamba sa bahay ng Panginoon ay nagpapalaki sa ating kakayahan para sa kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Kaya, ang oras na ginugol sa templo ay nagpapalakas ng ating kumpiyansa sa harap ng Panginoon. Ang mas maraming oras sa templo ay makakatulong sa atin na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng ating Tagapagligtas, si Hesukristo.”
Pangulong Russell M. Nelson, Abril 2025
Subukan ang isang masayang aktibidad!
Kasama ang isang kaibigan, tumayo sa magkasalungat na panig ng arko, kapwa nakaharap sa dingding sa sulok.
Ngayon ay magpalitan kayo ng pagsasalita sa isa’t isa.
Kahit pa pabulong lamang, maririnig ka pa rin ng iyong kaibigan nang malinaw.
Salamat sa pagbisita
Ang Bahay ng Panginoon
Nawa’y bumalik kayo muli sa lalong madaling panahon!
Matuto pa
Masasgot ng mga misyonero ang iyong mga tanong tungkol sa mga templo at maibahagi king paano ka matutulungan ng ebanghelyo ni Hesukristo na magkaroon ng matatag at pangmatagalang relasyon sa pamilya!
